Isang linggo bago ang event, nakatanggap ako ng invitation galing kay Mondy. Sama daw ako sa Specialized Day with Ariana and Donjie Dormitorio.
![]()
![]()
![]()
Sa mga hindi pamilyar sa kanila ( kung ang sports mo talaga ay darts o bilyar o chinese garter, malamang ngayon nyo lang sila narinig) si Ariana ang top junior female MTB rider dito sa Pinas at si Donjie ang kanyang very supportive daddy, coach, training partner, kapatid, atbp. PMTB representatives kami para sa event.
[IMG]
[/IMG]
Bike demo, mini race, riding clinic, question and answer sponsor ang tampok sa isang araw na yun. Hosted by Bikeworx Inc at Angeles Forest Bike Trail.
Nalimutan ko pala yung boodle fight. Oo boodle fight! Burp.
![]()
Umaga ng linggo, ni-pick up ako sa Balintawak ni the Horrible Peter Tan at Mondy Ang. Naka dalawang spanish bread na ako at isang tasang kape bago sila dumating. Yung isa daw kasi sa kanila mantika kung matulog. LOL. Matpos kumain ulit sa isang fa(s)t foodchain, diretso na kami sa Angeles. Hindi pala diretso dahil naligaw kami. Mga dalawang liko lang. Kaliwa at kanan. Tig sampung beses.
![]()
Matapos ang halos isang oras na pagtatanong, pag-iling, pag-u turn at pag konsulta sa mapa na "simplified" nakarating din kami. Sakto. Simula pa lang ng event. May tig-iisa kaming racebib. Naks race bib, pero di kami naki race. Nag abang lang kami sa raffle. Ang dami! Bottles, kegs, caps, helmets. Kaso di kami nanalo. Pfft.
Habang nagaganap ang bike fitting demo at ilang Q&A portion, pinagamit na sa amin ang Specialized Demo Bikes.29er Specialized Camber 2014 ang ginamit ko. Kasi may green accent, bagay sa pink kong medyas.
![]()
Dahil rigid singlespeeder ako ng medyo matagal na panahon, napa- wow ako sa shifters at gears! Pati sa rear at front suspension. At 29er! Sa mga unang lubak panay sulyap ko sa likod dahil alam ko may nasagasaan akong lubak,pero nawawala pag lampas ko. Effective ang suspension, kaya napapakunot ako bakit ba ako nag adik ako sa rigid na bike.
![]()
Matapos ang ilang sandali para i-adjust ang saddle height, inikot ko sa na sa trail yung bike. May jumps, switchback, ahon, bulusok at liko-likong singletrack. Medyo may kahirapan lumiko dahil na din di pa ako sanay sa 29er kaya dalawang beses ata na sa damuhan ako pumasok. At nakakalas ako sa jumps dahil naka clipless shoes ako (mali ko) at naka flat pedals ang bike kaya dumudulas. Salamat sa suspension at nasalo at hindi nabasag yung bagay na tumatama sa upuan.
Maganda yung bike, maganda ang trail at gutom na kami.
![]()
![]()
Tanghalian! Boddle fight ang tema. Pancit, sinangag, tocino, itlog na maalat, kamatis. Talagang Specialized Day! Matapos makapaghugas ng kamay, hanap na kami ng pwesto. Naks! Sa executive table kami pinapwesto. Katabi sila Coach Donjie, Ariana, Andy Leuterio,Joey Ramirez(may-ari nung Dan's), tapos sila Zell, Maris yung sa Marketing and Sales,Jake Baluyot, Myk Nagrampa etc. Kaya syempre hinay hinay sa pag attack. Sharing sila ng techniques sa rides, papayat ,left-right-left-right ng ulo ang pinaka effective daw na paraan pag may nag alok ng pagkain. Burp ulit.
![]()
![]()
![]()
![]()
Matapos kumain at labanan ang antok, masarap kasi ang simoy ng hangin at malilim sa ilalim ng mga puno ng mangga, balik sa stage area. Raffle ulit. Di ulit kami nanalo.
Limitado ang review na pwede ko ibigay tungkol sa Specialized bike na nagamit ko, kaya naghihintay kami ng muling pagkakataon na magamit ito ng mas matagal at mas eksakto na ang sapatos at pedal. Pero sa unang impresyon tiyak mag eenjoy kayo sa disenyo, kalidad at teknolohiyang inilagay nila. Kaya Specialized ang ginagamit nila Ariana at Coach Donjie. Panalo.
![]()
![]()
![]()
More pictures here:
https://www.facebook.com/media/set/?...1898203&type=3